^

Metro

Testimonya pa lang ni Kris 'swak' na si Joey

-
Sinabi kahapon ni Atty. Raymund Fortun na testimonya lamang ng kanyang kliyenteng si TV host/actress Kris Aquino ay ‘swak’ na sa selda ang dati nitong lover na si Parañaque Mayor Joey Marquez.

Ipinaliwanag din ni Fortun na sa isang "private crime" gaya ng pambubugbog ni Marquez kay Aquino sa loob ng isang kuwarto, hindi na kailangan ng testimonya ng ikatlong partido upang mapatunayan ang alegasyon.

"A private crime doesn’t need a witness other than the one who filed the complaint," pahayag ni Fortun sa isang panayam.

Ang kredibilidad umano ng nagreklamo ang gigisahin sa korte upang malaman kung totoo ang alegasyong binitiwan nito.

"We filed the case not for the effect but for result. We intend to win," dagdag pa ni Fortun.

Nang tanungin kung nais ba ni Aquino na ipakulong ang dating ka-relasyon, ito ang isinagot ni Fortun: "Yes, she filed the complaint with that result in mind."

Determinado rin umano si Aquino na makakuha ng hustisya kaugnay ng pambubugbog at panunutok sa kanya ni Marquez sa pinakahuli nilang pag-aaway sa Essensa Condominium sa West Bicutan, Taguig noong Sept. 22. (Ulat ni Edwin Balasa)

AQUINO

EDWIN BALASA

ESSENSA CONDOMINIUM

FORTUN

KRIS AQUINO

MARQUEZ

MAYOR JOEY MARQUEZ

RAYMUND FORTUN

WEST BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with