2 pulis patay sa barilan
October 1, 2003 | 12:00am
Dalawang tauhan ng pulisya ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok sa isang lalaki na kanilang sinita sa harapan ng isang department store, kamakalawa ng gabi sa San Juan, Metro Manila.
Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen si PO3 Reynaldo Arceno na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at dibdib, samantalang namatay habang ginagamot sa Polymedic Hospital si PO1 Joseph Alcuran na nagtamo ng dalawang tama sa dibdib at kaliwang balikat, ang dalawa ay kapwa miyembro ng Police Community Precint 1 ng San Juan Police Station.
Samantala, nahuli naman ang suspect sa isinagawang follow-up operation na nakilalang si Gerry Panaquitan, 36, ng Nueve de Pebrero Mandaluyong City. Nakumpiska dito ang isang kalibre .38 baril na may limang bala.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa harapan ng Parco Department Store na nasa panulukan ng EDSA at Connecticut St., San Juan makaraang rumesponde ang mga biktima sa isang tawag na may isang lalaking may kahina-hinalang kilos na nasa harapan ng department store.
Nang dumating ang mga pulis ay agad silang nakita ng suspect na mabilis na nagbunot ng baril at pinaputukan ang mga biktima. Nasapul agad si PO3 Arceno na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan, gumanti ng putok si PO1 Alcuran subalit hindi tinamaan ang suspect kaya sa pagganti nito ay bumulagta rin ang naturang pulis.
Mabilis na tumakas ang suspect dala pa ang mobile car ng mga pulis, subalit dalawang oras matapos ang insidente ay nadakip ito ng mga awtoridad na nagtatago sa likod ng istasyon ng pulisya sa Greenhills, San Juan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended