2 pulis, 4 pa tugis sa pagdukot sa trader
September 29, 2003 | 12:00am
Dalawang pulis na kinabibilangan ng isang colonel ang tinutugis ngayon ng mga tauhan ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) kaugnay ng pagdukot sa isang mayamang negosyante sa Coastal Mall, Parañaque, kamakailan.
Ito naman ang nabatid kahapon kay Supt. Alan Purisima, hepe ng PACER kasunod ng pagkakadakip ng kanyang mga tauhan sa isa sa mga kidnaper na nakilalang si Juanito Hipe ilang minuto matapos ang isinagawang pay-off sa Pasay City.
Si Hipe ay kabilang sa mga armadong kalalakihan na dumukot sa mayamang negosyanteng si Rafael Decena noong Setyembre 20 sa bisinidad ng Coastal Mall. Ito ay pinalaya matapos na magbayad ng P1 milyon ang asawa nito na si Emily sa mga kidnaper.
Kabilang sa mga pinaghahanap ngayon ay sina Supt. Manuel Vidaña at PO2 Michael Adrid kapwa nakatalaga sa PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force; Antonio Bernardo Sr. alyas Tony Bundat at apat pa na nakilala lamang sa mga pangalang Jed, Roel,Dennis at Dave.
Ang mga suspect ay isa-isang binanggit ni Hipe matapos itong sumailalim sa tactical interrogation. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am