4 Fil-Chi trader dinukot sa Maynila
September 28, 2003 | 12:00am
Apat na Filipino-Chinese na kinabibilangan ng isang babae ang pinaniniwalaang dinukot ng armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.
Bagamat hindi pa malaman ang pangalan ng mga ito, ang apat ay sinasabing pinasok sa kanilang bahay sa San Juan Luna St. Binondo at kinuha ng mga kalalakihan na nagpakilalang mga pulis.
Ayon sa mga saksi, sapilitang isinakay ang apat sa isang Toyota Revo na may plate no. na 892-PNP at mabilis na umalis patungo sa hindi pa malamang direksiyon.
Subalit mariin naman ang pagtanggi ng Western Police District Station 11 na may naganap na kidnapping sa kanilang lugar at sa halip ay sinabi ng mga ito na posibleng police operation ang nangyari dahil may tatak na PNP ang sasakyang ginamit.
Gayunman, wala ding report na may isasagawang operation ang pulis sa Tactical Operation Center kung kayat hindi malaman kung ito ay isang panibagong kidnapping o lehitimong police operation. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest