Nalugi ang tindahan: Negosyante,nagbigti
September 28, 2003 | 12:00am
Dala umano ng pagkalugi ng kanyang tindahan, tuluyan nang winakasan ng isang 62-anyos na negosyante ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Lawit ang dila ng biktimang si Marcial Deliva ng Lot 5 Blk. 6 Camacho Compound, Balubad St. Brgy. Nangka, Marikina City nang makita ng kanyang live-in partner na si Teresita Mendoza, 52, sa loob ng kanilang kuwarto gamit ang isang kawad ng kuryente.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.
Nagtaka umano si Mendoza kung bakit wala pang ilaw na nakabukas gayung gabi na kung kayat napilitan siyang buksan ang ilaw hanggang sa umakyat siya sa kuwarto upang magpalit ng damit.
Subalit laking gulat ni Mendoza nang makitang nakabitin ng kawad ng kuryente si Deliva na nakasabit sa kisame.
Ayon kay Mendoza, matagal na niyang napapansin ang pagiging matamlay ng Deliva matapos na malugi ang tindahan nito na siyang pinagkukunan nito ng ikabubuhay.
Hindi umano matanggap ni Deliva ang pagkalugi ng kanyang negosyo dahil matagal na nitong pinatatakbo ang kanyang maliit na tindahan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest