^

Metro

Magkapatid na paslit kinatay ng ina

-
Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang magkapatid na paslit makaraang pagsasaksakin ng kanilang sariling ina na nawala sa katinuan ng pag-iisip matapos mabinat sa panganganak, sumabay pa ang pagkaburyong nang malamang babalik na sa tunay na pamilya ang kanyang kinakasama, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Matapos pagsasaksakin ang mga anak, nagsaksak din sa sarili ang inang suspect.

Nakilala ang magkapatid na nasa kritikal na kondisyon sa Philippine General Hospital (PGH) bunga ng tinamong mga saksak sa katawan na sina Ruby Ann, 3; at Clarize Cadaingan, 8-buwang gulang.

Kapwa lumabas ang mga bituka ng magkapatid dahil sa matinding mga saksak ng kanilang ina.

Samantala, ginagamot naman sa Pasay City General Hospital ang inang suspect na si Gina Marivic Cadaingan, 26.

Ayon sa imbestigasyon ng Pasay City police, naganap ang insidente dakong ala-1:50 kahapon ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-iina sa Block 1, Lot 11, Don Carlos Village, Pasay City.

Bigla na lamang umanong kumuha ng kutsilyo ang ginang at pinagsasaksak nito ang natutulog niyang mga anak at pagkatapos ay nagsaksak sa sarili.

Ayon sa ulat, nabinat ang ginang mula sa panganganak na naging dahilan upang mawala ito sa katinuan ng pag-iisip.

Lalo pa umanong nadagdagan ang isipin ni Gina nang malamang nagbabalak nang bumalik sa tunay na pamilya ang ama ng kanyang mga anak.

Ilang kapitbahay ng mag-iina ang nagsugod sa mga ito sa pagamutan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.(Ulat Lordeth Bonilla)<

AYON

CLARIZE CADAINGAN

DON CARLOS VILLAGE

GINA MARIVIC CADAINGAN

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RUBY ANN

ULAT LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with