Killer ng NAIA exec,timbog
September 25, 2003 | 12:00am
Matapos na magpalabas ng P1.5 milyong reward money, bumagsak na sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Western Police District (WPD) ang gunman na pumaslang sa Asst. Manager ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa sa Taguig, Metro Manila.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Zaldi Dagting, 22, binata, miyembro ng kilabot na BCJ gang at naninirahan sa #209 M. de Jesus St., Pasay City.
Ito ang itinuturong siyang bumaril kay Lilia Diaz, 47, Asst. Manager for Administration and Finance ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Positibong kinilala ito ng driver ni Diaz na si Edwin Edfeo, 29, binata ng #78 Armstrong Villas, Moonwalk, Parañaque City.
Sa ulat ng pulisya, nasakote si Dagting dakong alas-4 nitong Martes ng hapon ng mga elemento ng WPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID) sa may Bagong Bayan, Tanyag, Taguig, Metro Manila.
Positibong namukhaan naman ni Edfeo ang mga suspect kung saan nabuo ang cartographic sketch ng mga ito.
Nagpalabas naman ang NAIA ng P1 milyong reward money para sa ikadadali ng pagkakadakip sa mga gunmen na dinagdagan pa ng mga kapamilya ni Diaz ng P500,000.
Base sa inilabas na cartographic sketches, nakilala ng DIID ang suspect sa pangalang Zaldi at naninirahan sa Pasay City at umeekstra bilang trabahador sa isang construction site sa Taguig.
Dito na namataan ng mga ikinalat na elemento ng DIID ang suspect na naglalakad sa may Bagong Bayan, Tanyag, Taguig na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended