Kompanya nilooban: P1M natangay
September 24, 2003 | 12:00am
Umaabot sa P1 milyong halaga ng salapi ang natangay ng apat na armadong kalalakihan mula sa isang kompanya na pag-aari ng isang negosyanteng Intsik kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang looban ng mga armadong mga suspect ang Golden Peacock Food Products Corp. na matatagpuan sa 383 F. San Diego St., Veinte Reales sa nasabing lungsod at pag-aari ng isang nagngangalang Willy Co. Dumaan umano ang mga suspect sa bakod at agad na dinisarmahan ang dalawang security guard na nagbabantay sa gusali at nagawang maigapos.
Tumuloy ang mga suspect sa tanggapan ng sekretarya ng kompanya na nakilalang si Karen Maquiniana, 26. Naabutan umano ng mga suspect si Maquiniana na inaayos ang perang nagkakahalaga ng P1 milyon upang dalhin sa bangko.
Agad na tinutukan ng mga suspect si Maquiniana at itinali rin ang mga kamay at mabilis na nilimas ang nasabing halaga bago mabilis na nagsitakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest