Ginagamot ngayon sa Tondo General Hospital ang biktimang paslit na nakilalang si Kim Revnyl Lavarias, grade 1 pupil, ng 156 Pahati St., Balut,Tondo at ang binatilyong si Johmark Concepcion, 17, ng nasabi ring lugar.
Pinaghahanap naman ang mga tumakas na suspect na nakilala sa pangalang Jethro Pablito at Joemar dela Cruz.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng hapon sa panulukan ng Pahati at Pinoy Sts. sa Balut, Tondo, Maynila.
Nagkabangga umano ang dalawang magkaaway na grupo ng fraternity. Nagkaroon ng habulan at pagpapalitan ng putok.
Nagkataon naman na naglalaro sa naturang lugar ang batang si Lavarias na tinamaan ng bala ng sumpak, gayundin si Concepcion.
Napag-alaman na madalas na magsagupa ang magkakalabang fraternity sa lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)