^

Metro

3-anyos naipit sa gate,patay

-
Dahilan sa piso, isang tatlong taong gulang na batang lalaki ang nabasag ang bungo at halos magkalasug-lasog ang katawan matapos na maipit sa gate ng isang construction company na isinara ng security guard, kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Aeros Orbeta, ng Jesus Extension Beata Pandacan ng nasabing lungsod sanhi ng pagkakaipit ng gate sa kanyang katawan.

Samantala, sumuko naman sa mga awtoridad ang suspect na si Suinodin Latip, 21, security guard ng Best Security Agency at nakatalaga sa Ramos Construction na matatagpuan sa #2982 Lorenzo dela Paz St., Pandacan, Maynila.

Lumalabas sa ulat ni Det. Alfredo Salazar ng WPD dakong alas-6 ng gabi ng maganap ang insidente habang naglalaro ang biktima kasama ang iba pang bata sa harapan ng gate ng Ramos Construction ng bigla na lamang ibato ng biktima ang hawak nitong piso.

Akto na umanong kukunin ng biktima ang inihagis na piso ng bigla na lamang isara ng suspect ang gate dahilan upang maipit ang katawan nito.

Ayon naman kay Robert John, 7, na nakita nilang itinapon ng biktima ang piso sa harapan ng gate at galit na galit ang suspect na ibinalya ng malakas ang gate kaya’t naipit ang biktima.

Madalas din umano silang pinagagalitan ng suspect sa tuwing maglalaro sila sa harapan ng gate.

Kasalukuyang nakapiit ang suspect habang inihahanda ang kaso laban dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AEROS ORBETA

ALFREDO SALAZAR

BEST SECURITY AGENCY

GATE

GEMMA AMARGO

JESUS EXTENSION BEATA PANDACAN

MAYNILA

PAZ ST.

RAMOS CONSTRUCTION

ROBERT JOHN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with