Nandya sa tong-its binoga,patay
September 20, 2003 | 12:00am
Isang 41-anyos na lalaki ang nasawi makaraang pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect na dinaya nito sa tong-its kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Namatay noon din ang biktimang si Edris Tumpao Managa, tubong Lanao del Sur sanhi ng tinamong tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan.
Kaagad naman na tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:40 ng madaling-araw sa bahay ng biktima sa Anisia Apartment J. Gabriel St., Barangay Baclaran, Parañaque City.
Nabatid na binisita ng dalawang di kilalang suspect ang biktima kung saan nag-inuman ang mga ito habang naglalaro ng tong-its.
Ayon kay Diana Casas kasambahay ng biktima na bigla na lamang umanong kinompronta ng isa sa mga suspect ang biktima kaugnay sa pandaraya umano nito sa kanilang laro. Nauwi ang paninita sa mainitang pagtatalo hanggang sa bigla na lamang bumunot ng baril ang mga suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima bago nagsitakas.
Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya para sa ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended