Lolo nilooban saka pinatay
September 19, 2003 | 12:00am
Hinataw sa ulo ng matigas na bagay at tinadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan hanggang sa mapatay ang isang lolo matapos itong looban, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Nakilala ang nasawing biktima na si Domingo Bartolome, alyas Lolo Tolome, 68, nakatira sa 340 Basa Compound, Barangay Zapote ng lungsod na ito.
Samantala, kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima.
Napag-alaman na nag-iisang natutulog sa kanyang bahay ang lolo nang pasukin ng mga suspect.
Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng nagising ang matanda sa pagkakatulog kaya naalarma ang mga suspect kung kaya tinuluyan itong patayin ng mga salarin. Maaari umanong kilala nito ang mga nanloob na suspect.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at ang pagtugis sa mga suspect na tumangay ng hindi pa malamang cash na kinulimbat sa matanda. (Ulat ni Lordeth Bonilla)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am