^

Metro

Gay bars sinalakay na rin

-
Kung inaakala ng mga baklang pulis na ligtas na sila sa isinasagawang puspusang operasyon ng pamunuan ng PNP sa night life check sa kanilang hanay dahil mga KTV at nightclubs lamang ang target ng raid, nagkakamali sila.

Kamakalawa ng gabi sinimulan na ring salakayin ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang mga gay bar sa lungsod upang malaman kung sinu-sino namang mga baklang pulis ang naglalagi sa mga ganitong lugar.

Ayon kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro, kailangan din na imonitor ang mga pulis na nagpupunta sa mga gay bar at hindi lamang ang mga barakong pulis na mahilig sa mga nightclubs at KTV.

Aniya, wala namang pagkakaiba ang mga gay bar at ang mga KTV at nightclubs dahil pareho lamang itong pinupuntahan ng mga parokyano kung saan binabayaran ang mga GRO at call boy sa kanilang mapagkakasunduang presyo.

Aminado si Castro na kuwestiyonable sa isang pulis ang kanyang ginagastos sa kanyang alagang callboy dahil madalas na sinasamantala ng mga callboy ang kanilang mga kostumer.

Bagamat wala pa silang nahuhuling mga baklang pulis, sinabi ni Castro na maaaring kuwestiyunin din ito sa ilalim ng lifestyle check sa mga tauhan ng pulisya, dahil napapanatili nila ang kanilang relasyon sa mga alagang call boy.

Gayunman, sinabi ni Castro na wala namang problema kung bakla ang isang pulis hanggang hindi naaapektuhan ang pagtupad niya sa tungkulin. (Ulat ni Doris Franche)<

vuukle comment

AMINADO

ANIYA

AYON

BAGAMAT

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

NAPOLEON CASTRO

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with