Holdap: 2 suspect patay, 1 sugatan
September 18, 2003 | 12:00am
Dalawang holdaper ang nasawi, habang isa pa ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng CPD sa bigong panghoholdap sa isang pampasaherong bus, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay noon din ang suspect na si Jun Piraila, samantalang nasawi habang ginagamot sa FEU Hospital ang kasamahan nitong si Ramon Jimenez. Sugatan ang isa pa nilang kasama na si Carlito Bacul, habang isa pa ang nakatakas.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa loob mismo ng Lucky Seven bus na bumabagtas sa Commonwealth Avenue.
Nang makarating sa harap ng Unlad Pawnshop sa Winston St. nagdeklara ng holdap ang mga suspect kung kayat napilitan ang mga pulis na sina PO1s Darwin Inocentes at Cyril Dagusen na magpakilala.
Subalit sa halip na sumuko agad na nagpaputok ng baril ang mga suspect kung kaya napilitang gumanti ang mga pulis hanggang sa tamaan ang mga holdaper.
Kabilang ang dalawang pulis na sadyang ipinakalat na magmonitor sa mga pampasaherong bus laban sa mga holdaper. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended