^

Metro

Pulis tiklo sa karnap na kotse

-
Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa National Capital Regional Police Office makaraang mahulihan ito ng karnap na sasakyan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang suspect na si PO2 Richard Lanuzo-Balina, 28, ng Regional Support Group ng NCRPO at nakatira sa Blk. 28, Lot 28 Barangay Lower Bicutan, Taguig.

Batay sa pagsisiyasat ni SPO4 Abner Balgos ng Pasay City Police, namataan dakong alas-10 ng umaga sa panulukan ng EDSA at Tramo St. sa Pasay ang nakaparadang Mitsubishi Lancer na box type, may plakang NAJ 724 na may kahina-hinalang licence sticker.

Sa record ng pulisya, ang sasakyan ay nakaalarma sa PNP Traffic Management Group simula pa noong Mayo 2001 dahil ito ay kinarnap sa Quezon City.

Nabatid na ang sasakyan ay mayroong kulay asul na sticker na hindi naman iniisyu ng LTO dahil para lamang ito sa mga diplomat.

Subalit ayon naman kay Balina, binili niya sa halagang P15,000 ang sasakyan mula sa isang nagngangalang Philip kung kaya’t hindi maaaring sabihin na kinarnap niya ang sasakyan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABNER BALGOS

BARANGAY LOWER BICUTAN

LORDETH BONILLA

MITSUBISHI LANCER

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

QUEZON CITY

REGIONAL SUPPORT GROUP

RICHARD LANUZO-BALINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with