^

Metro

Trapik sa Maynila, palala

-
Nagkawindang-windang muli ang daloy ng trapiko sa lungsod ng Maynila dahil sa palpak na traffic plan na inilatag ni Western Traffic chief Col. Gil de Castro.

Kahapon, daang commuters at motorista ang naipit sa grabeng trapiko sa Quiapo, España, Morayta, Recto, Sta. Cruz at Mendiola dahil sa panibagong traffic plan na ginawa ni Col. de Castro.

Sa naturang traffic plan, inihanay ang mga public utility jeepney (PUJs) sa right lane at isang lane naman sa kaliwa ang ibinigay sa mga pribadong sasakyan. Dahil dito, nagkaumpukan ang lahat ng pampasaherong sasakyan sa kanan at naokupahan ang buong lane ng PUJs kaya’t naharang ang mga pribadong sasakyan.

Si Col. de Castro rin ang nagplano na i-route ang mga sasakyan na galing sa Taft papuntang Sta. Cruz at Recto kaya’t naipon naman ito sa Ongpin area. Ito ang dahilan kaya’t inaangal ng maraming motorista at commuters ang re-routing plan ng Western Traffic sa kapalpakan nito.

Subalit ikinatwiran ng ilang pulis na ang naganap na rally ng mga militanteng grupo sa Plaza Miranda ang dahilan ng masikip na trapiko. (Ulat ni Gemma Amargo)

CRUZ

DAHIL

ESPA

GEMMA AMARGO

GIL

KAHAPON

PLAZA MIRANDA

SI COL

WESTERN TRAFFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with