Customs police nagbaril sa sarili
September 14, 2003 | 12:00am
Nagbaril sa sarili ang isang 48-anyos na pulis na nakatalaga sa Bureau of Customs (BoC) matapos na hindi nito matanggap ang ginawang paglalayas ng kanyang hipag, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ang biktima na binawian ng buhay habang ginagamot sa Sioson General Hospital bunga ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib ay kinilalang si Jaime Gonzaga, residente ng #53 Ilocos St., Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, Quezon City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 nang magbaril sa sarili ang pulis sa loob ng kanyang bahay.
Bago ang insidente ay nagkaroon muna ng argumento sa pagitan ng biktima at ng hipag nito na si Nelly Bautista kung saan ay hinihikayat umano ng una ang huli na huwag nang umalis sa kanilang bahay subalit hindi nagpapigil ang huli sa kanyang kagustuhan. Biglang kinuha ng pulis ang baril at pinaputok sa kanyang kaliwang dibdib.
Sinubukan ng mga kapitbahay na dalhin sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit hindi na nagawa pang isalba ng mga doktor ang buhay nito.
Sa kasalukuyan ay isang masusing imbestigasyon ng Central Police District upang alamin ang tunay na motibo sa nasabing insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended