MIAA exec itinangging may alam siya sa Diaz salay
September 14, 2003 | 12:00am
Mariing pinabulaanan ni Atty. Cecilio Bautista, officer-in-charge ng Emergency Services Department ng Manila International Airport Authority (MIAA), na may kinalaman siya sa pagpaslang kay Lilia Diaz, MIAA finance officer.
Ang pangalan ni Bautista ay lumutang matapos itong banggitin ni Cherry Diaz, kapatid ng biktima, na siya umanong may pinakamatinding dahilan upang patayin si Lilia.
Ayon kay Bautista, bagamat hindi pa siya ipinatatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Parañaque Police, may lumabas na sa mga pahayagan na siya umano ang pangunahing suspect sa karumal-dumal na krimen.
Inamin ni Bautista na totoong nagkita sila ni Cherry sa lobby ng Administration Bldg. at iniabot nito ang kanyang kamay kay Cherry bilang tanda ng pakikiramay. Subalit biglang sumigaw si Cherry at sinabing "Sino ka? Kakilala ba kita? Alam mo, masamang-masama ang loob ng kapatid ko sa iyo noong nabubuhay pa."
Habang binabanggit ni Cherry ang masasakit na salita ay pinagsusuntok nito sa dibdib si Bautista sa harapan ng ilang nabiglang mga empleyado at security guard sa Administration Bldg. saka lamang tumigil si Cherry nang awatin ito ng mga security guard.
Pinasinungalingan din ni Bautista na pinagbantaan niya ang pamilya ng biktima na kanya itong uubusin. Ayon kay Bautista, bagamat mahigit 10 taon na silang hindi nagkikibuan ni Diaz dahil sa trabaho, hindi nito kayang ipapatay ang taong minsan ay naging kaibigan din niya.
Nagkaroon ng hidwaan si Bautista at Diaz nang kasuhan ng huli ang una kasama ang 12 pang opisyal ng MIAA sa tanggapan ng Ombudsman dahil sa paglabag sa Code of Ethical Standard for Public Officials.
Inakusahan ni Diaz si Bautista na tumatanggap ng P250,000 sa OMSI buwan-buwan. (Ulat ni Butch M. Quejad

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended