^

Metro

Magkumpare nagtagaan dahil sa tagay

-
Kapwa nasa kritikal na kalagayan ang magkumpare makaraang magtalo at magtagaan ang mga ito dahil lamang sa tagay sa kanilang inuman, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang dalawa na ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Medical Center dahil sa tinamong mga taga sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ay nakilalang sina Crisente Crisencio, 60, driver at Roberto Flores, 29, kapwa residente ng Balubad St., Barangay Nangka ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa harapan ng bahay ni Crisencio habang nag-iinuman ang mga ito kasama ang isa pa nilang kapitbahay.

Nabatid na nagtuturuan ang dalawang biktima kung sino ang nakatokang uminom ng tagay na gin. Nauwi ang paliwanagan sa mainitang pagtatalo hanggang sa mabilis na umuwi ng bahay si Flores at sa pagbalik ay may bitbit na itong itak.

Nakita naman agad ito ni Crisencio na pumasok sa kanilang bahay at kumuha rin ng itak hanggang sa magpang-abot ang dalawa ang magtagaan.

Mabilis namang umawat ang ilang saksi at isinugod ang magkumpare sa pagamutan. (Ulat ni Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BALUBAD ST.

BARANGAY NANGKA

BATAY

CRISENCIO

CRISENTE CRISENCIO

EDWIN BALASA

KAPWA

MARIKINA CITY

ROBERTO FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with