2 lalaki niratrat ng sastre
September 12, 2003 | 12:00am
Dalawang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang sastre na nabulabog ng mga ito, kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang mga biktima na sina Julius Ramirez, 21, at Ronnie Canaria, 27, kapwa residente ng #4 Sauyo Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Pinaghahanap naman ang suspect na si Antonio Liban, 44, tubong-Cagayan Valley, kapitbahay ng mga biktima
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Gil Nino ng CPD Station 4, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa Pencionado St., Sauyo Road ng nasabing barangay.
Dumating ang mga biktima sa kanilang bahay na lasing at nag-iingay. Ang ingay ay umabot hanggang sa bahay ng suspect na ikinagalit nito kaya kinompronta ang dalawa, gayunman nauwi ang komprontasyon sa mainitang pagtatalo na naawat naman.
Gayunman, hindi pa rin tumahimik ang dalawa hanggang sa kinuha ng suspect na sastre ang kanyang baril at saka pinagbabaril ang mga biktima na naging dahilan ng kamatayan ng mga ito.
Ayon naman sa mga saksi marami na umanong naka-away ang suspect na nagsisiga-sigaan sa kanilang lugar. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest