^

Metro

Bitay sa kidnaper

-
Kamatayan ang inihatol ng Mandaluyong City Regional Trial Court sa isang kidnaper na napatunayang dumukot sa anak ng isang mayamang dermatologist may dalawang taon na ang nakakaraan.

Bukod sa hatol na bitay pinagbabayad din ni Judge Amalia Dy ng Branch 13 ang akusado na nakilalang si Joseph Mostrales, isa rin sa mga hinihinalang pumatay kay Capt. Baron Cervantes, ang dating spokesman ng YOU ng kabuuang halagang P13.2 milyon para sa pinsalang naidulot ng ginawa nito. Sa 38 pahinang desisyon, ibinasura ni Dy ang alibi ng akusado na siya ay nasa ibang lugar ng maganap ang insidente dahil sa positibong pagkilala sa kanya ng mga testigo.

Nabatid na papasok na sa paaralan ang 16-anyos na biktima sakay ng puting Starex nang harangin ng isang Revo sa kanto ng Calderon at Pilar St. sa Mandaluyong dakong alas-6:35 noong Nobyembre 12, 2001.

Apat na lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril at sapilitang dinala ang biktima. Pinakawalan lamang ito matapos ang may limang araw nang makuha nila ang P11 milyong ransom. Nasakote naman si Mostrales noong nakalipas na Mayo 12, 2002 sa kanyang bahay sa Lauren, Pangasinan. Itinanggi rin nito ang pagkakasangkot niya sa pagpaslang kay Cervantes. (Ulat ni Edwin Balasa)

APAT

BARON CERVANTES

BUKOD

CAPT

EDWIN BALASA

ITINANGGI

JOSEPH MOSTRALES

JUDGE AMALIA DY

MANDALUYONG CITY REGIONAL TRIAL COURT

PILAR ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with