^

Metro

3 NAIA personnel nagbalik ng $52,000

-
Muli na namang nagpakita ng katapatan sa pagtupad ng tungkulin kahapon ang mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group makaraang boluntaryong ibalik ang nawawalang shoulder bag ng paalis na Amerikanong pasaherong patungo ng Hong Kong na naglalaman ng umaabot sa $52,000 (P2.8 milyon) at dalawang mamahaling Nokia cellphones.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Efren Labiang, chief ng Police Center for Aviation Security (PCAS) ng PNP-ASG, ang tunay na may-ari ng itim na shoulder bag ay nakilalang si Gerry Stephen Sauber kung saan bunga ng pagmamadali ay naiwanan nito sa conveyor belt ng x-ray machine sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay Labiang, ang nawawalang bagahe ay natagpuan nina SPO3 Rodolfo Brao, SPO2 Romeo Estoesta at PNP non-uniformed personnel Allan Inocencio.

Hindi nagsayang ng panahon sina Brao, Estoesta at Inocencio nang kaagad na hinanap ng mga ito ang tunay na may-ari na nagkataong kasalukuyang nagbabayad ng terminal fee bago makarating ng Bureau of Immigration Zone.

Bago pormal na ibalik kay Sauber ang nawawalang bagahe, nagsagawa naman ng imbentaryo ang mga awtoridad sa presensya ni Sauber, PNP-ASG personnel on duty at ilang kinatawan ng Cathay Pacific Airways, ang eroplano na sinakyan paalis patungong Hong Kong ng nabanggit na pasahero. Nang napasakamay ni Sauber ang nawawalang bag, nagpahayag ng pasasalamat si Sauber sa mga tauhan ng PNP-ASG na responsable sa pagkakabawi ng salapi nito na umaabot ng kabuuang P2.8 milyon. (Ulat ni Butch Quejada)

ALLAN INOCENCIO

AVIATION SECURITY

AVIATION SECURITY GROUP

BUREAU OF IMMIGRATION ZONE

BUTCH QUEJADA

CATHAY PACIFIC AIRWAYS

EFREN LABIANG

GERRY STEPHEN SAUBER

HONG KONG

SAUBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with