^

Metro

Sekyu lasog sa sumabog na air compressor

-
Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang sekyu makaraang sumabog ang isang electric air compressor na nag-overheat mula sa tinatanuran nitong storage facility, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Taguig.

Kinilala ni PO2 Cesar delos Reyes ang biktima na si Nelson Almazan, 29-anyos, stay-in security ng Comark International Corporation na matatagpuan sa Sta. Maria Industrial Estate, Bagumbayan, Taguig. Patay na ang biktima nang isugod sa Taguig Doctors Hospital.

Base sa ulat ng pulisya, nagsasagawa ng inspeksyon ang biktima sa warehouse ng nabanggit na pagawaan sa mga heavy equipment machines nang sitahin nito sina Amor Abener at Joselito Muaje, kapwa electrician at Lawrence de Claro, production machinist dahil sa hindi umano pagpatay sa switch ng isang malaking air compressor dakong alas-3 ng hapon noong Linggo.

Dahil dito ay nataranta ang tatlong manggagawa kaya nag-unahan pa sila sa pagpatay ng breaker ng nasabing compressor. Naiwan pa ang biktima at paikot-ikot sa tabi ng makina na iniinspeksyon nito.

Ilang saglit pa ay lumabas na ang tatlong manggagawa ay biglang sumabog ang air compressor dahilan upang magkaluray-luray ang katawan ng nasabugan na si Almazan.

Inimbita sa himpilan ng pulisya ang tatlong kasamahan ni Almazan upang hingan ng paliwanag sa nasabing pagsabog. Inaalam pa kung may naganap na ‘foul play’ sa pagkamatay ni Almazan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALMAZAN

AMOR ABENER

BAGUMBAYAN

COMARK INTERNATIONAL CORPORATION

JOSELITO MUAJE

LORDETH BONILLA

MARIA INDUSTRIAL ESTATE

NELSON ALMAZAN

TAGUIG

TAGUIG DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with