Tauhan ni Marohombsar sumuko
September 9, 2003 | 12:00am
Dahil umano sa patuloy na panganib sa buhay buhat sa mga kasamahan, tuluyang sumuko ang isang miyembro ng kilabot na Pentagon kidnap-for-ransom gang sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos na tumakas sa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP).
Nakilala ang sumukong suspect na si Rukman Alex Sultan, isa sa mga tauhan ng napaslang na si Faisal Marohombsar at tubong Marawi City.
Sa salaysay ni Sultan kasama siya sa dumukot sa mayamang negosyanteng si Enrico Pelaez noong Nobyembre 23, 2000 sa pamumuno mismo ni Marohombsar.
Humingi umano sila ng malaking halaga sa mga kaanak ng biktima kung saan tumagal ang negosasyon ng hanggang 51 araw.
Dito umano dumanas ng ibayong paghihirap ang biktima kung saan nagpasya siyang tulungan itong makatakas noong Enero 13, 2001.
Nagawa naman nilang malagpasan ang mga kasamahan nila sa sindikato matapos na makipagbarilan siya at sumuko sa pulisya.
Inilagay naman siya sa kustodya ng CIDG ngunit nakahalata umano siya na nanganganib ang kanyang buhay kaya napilitan na siyang tumakas noong Setyembre 2001.
Dahil sa patuloy na panganib sa buhay buhat sa dating mga kasamahan at takot sa pulisya, agad na kumontak ito sa NBI at sumuko nitong nakaraang Agosto 23. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended