^

Metro

Planong pag-aarmas sa mga barangay chairmen, tinutulan

-
Hindi pabor si Metro Manila Mayors League president at Manila Mayor Lito Atienza Jr. sa mungkahi ni Philippine National Police (PNP) Director General Hermogenes Ebdane sa planong pagbibigay at pagdadala ng armas sa mga barangay chairmen.

Tutol din sa naturang panukala si Pasay city Mayor Peewee Trinidad.

Inihayag din ni Trinidad na hihilingin niya na magpulong ang may 16 na local chief exectives para talakayin ang isyu.

Ayon naman kay Atienza, kailangang maging maingat at nararapat na pag-aralang mabuti ang nasabing plano dahil sa posibleng lumikha ito ng malaking kaguluhan sa sandaling magkaroon ng armas ang mga barangay chairmen kung saan nilinaw nito na mayroong 897 na barangay chairmen sa lungsod.

"Imagine having that many people carrying firearms in Manila, some of whom lacking the necessary training or discipline? We might have a ‘wild, wild west’ scenario in our city," ayon pa kay Atienza.

Bilang presidente ng Metro Manila Mayors League, iginiit pa nito na kailangan munang sumailalim sa special training at magkaroon ng malinaw na alituntunin sa pagdadala ng baril ang mga barangay chairman.

Nilinaw naman ni Atienza na awtorisado ang mga barangay chairman na magdala ng armas sa lugar na kanilang nasasakupan base sa Section 389 ng Local Government Code, subalit kailangan din umanong magbigay ng suporta ang pulisya upang maging epektibo sila sa paglaban sa mga kriminal.

Ang reaksyon ni Atienza ay bunsod sa plano ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Hermogenes Ebdane na bigyan at payagang magdala ng armas ang mga barangay chairmen sa bansa na umaabot sa 42,000.

Isa pa sa nakikitang problema ni Atienza kapag may dalang armas ang mga barangay chairmen ay ang posibleng maging tamad sa kanilang tungkulin ang mga pulis at iasa na lamang ang panghuhuli ng mga kriminal sa mga barangay chairmen.

Mas magiging epektibong paraan upang labanan ang krimen ay ang police force na disiplinado, well-equipped, well-trained at mayroong magandang koordinasyon sa kanilang mga barangay na sasakop. (Ulat nina Gemma Amargo at Lordeth Bonilla)

ATIENZA

BARANGAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

GEMMA AMARGO

LOCAL GOVERNMENT CODE

LORDETH BONILLA

METRO MANILA MAYORS LEAGUE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with