7-anyos na pupil hulog sa manhole,patay
September 4, 2003 | 12:00am
Dahil sa mataas na tubig-baha sanhi ng malakas na ulan, isang grade 1 pupil ang nasawi matapos itong mahulog sa bukas na manhole sa isang kalsada at tangayin ng malakas na agos ng tubig kanal, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hinahanap pa ang labi ng biktima na nakilalang si Janela Ugalisco, mag-aaral sa Kalayaan Elementary School at residente ng Phase 10, Block 48, Lot 20, Bagong Silang, Caloocan City.
Nabatid na dakong alas- 6 ng gabi habang papauwi ang paslit sa kanilang tahanan buhat sa eskuwela ay hindi nito napansin ang isang bukas na manhole sa kanyang nilalakarang kalsada at dahil na rin sa mataas na tubig-baha ay tuluyan itong nahulog sa loob.
Habang sinusulat ang balitang ito pinagtutulung-tulungan pa ring hanapin ang bangkay ng bata. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended