Nangholdap sa Union Bank, timbog
September 4, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isa sa tatlong kalalakihan na responsable sa panghoholdap sa isang sangay ng Union Bank sa Parañaque City noong nakaraang Lunes.
Kasalukuyang sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang suspect na si Jerry Antonio, 38, habang patuloy pa ring nagsasagawa ng follow-up operation laban sa kapatid nitong si Reynaldo at isang hindi pa nakikilalang kasamahan.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nadakip ang suspect sa bahay nito sa Santolan Compound sa Pasig City.
Nag-ugat ang pagkaaresto sa suspect base sa impormasyon na natanggap ng pulisya mula sa ilang concern citizen kaugnay sa pinagkukutaan nito.
Magugunitang nilooban ng mga suspect ang isang sangay ng Union Bank sa Rodeo Building sa Km 18, West Service Road South Superhighway sa Parañaque City kung saan nakatangay ang mga ito ng mahigit sa P.3 milyon.
Nabatid pa na minsan ng naaresto ang suspect ng mga tauhan ng NBI matapos namang looban din ng grupo nito ang Union Bank sa E. Rodriguez sa Quezon City subalit kaagad na nakalaya matapos na makapaglagak ng piyansa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended