Helper dinedo ng 2 Tsinoy
September 4, 2003 | 12:00am
Nakakulong ngayon ang magkapatid na Fil-Chinese makaraang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng mga ito ang isang helper, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Patay na nang idating sa St. Agnes Hospital ang biktima na nakilalang si Restituto Garanang, 27, stay-in helper sa 33 Casagay Compound San Francisco Del Monte matapos na magtamo ng mga saksak sa katawan.
Habang sumuko naman ang magkapatid na sina Robert, 44 at Noel Khoy Tan, 36, matapos ang isinagawang krimen.
Sa imbestigasyon ni PO1 Rommel Merino, ng CPD-CIU dakong alas-10 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng nasabing compound.
Napag-alaman na papasok na umano sa kanyang tinutuluyan ang biktima ng tawagin ng magkapatid na suspect at sinita ito tungkol umano sa sinasabi ng biktima na minamaltrato siya ng among si Andrew na kapatid din ng mga salarin.
Sa kainitan ng pagtatalo ay bumunot ng patalim ang isa sa mga suspect at inundayan ng saksak ang biktima sa kaliwang bahagi hg dibdib na naging dahilan ng kamatayan nito.
Hindi naman nagawa pang tumakas ng magkapatid kundi sumuko na agad sa mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am