^

Metro

60 brgy. chairmen na nag-Hong Kong kakasuhan

-
Sasampahan ng kasong administratibo ni Manila Mayor Lito Atienza Jr. ang may 60 barangay chairmen na isinama ni 3rd district Representative Harry Angping sa umano’y education trip sa Hong Kong kamakailan.

Ayon kay Atienza, ipinag-utos umano niya kay City Legal Officer Melchor Monsod na pag-aralan ang nilabag na responsibilidad ng mga barangay chairmen buhat sa ikatlong distrito ng Maynila.

"Our intention here is to correct the malpractice, kahit na nga sinasabi nila na hindi nila alam ang kanilang gagawin dahil first time lang nilang bumiyahe sa labas ng bansa, pero hindi pa rin excuse iyon", ayon pa sa Alkalde.

Iginiit nito na malinaw umano sa batas na lahat ng elected officials ay kailangang kumuha ng travel permit na hindi nagawa ng mga barangay chairmen kaya’t lumalabas na lumabag sila sa kautusan.

Itinanggi pa ni Atienza na nakikisawsaw siya sa kontrobersiyal na issue katulad ng akusasyon ng militanteng grupo ng AKBAYAN.

Nais lamang umano niya na itama ang maling ginawa ng mga barangay chairman at bigyan ng leksyon ang mga ito na umano’y maging responsable sa kanilang mga tungkulin bilang lokal na pinuno sa kanilang lugar. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALKALDE

ATIENZA

AYON

CITY LEGAL OFFICER MELCHOR MONSOD

GEMMA AMARGO

HONG KONG

IGINIIT

ITINANGGI

MANILA MAYOR LITO ATIENZA JR.

MAYNILA

REPRESENTATIVE HARRY ANGPING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with