^

Metro

Love tragedy: 2 patay

-
Itinaya ng dalawang manliligaw ang kanilang buhay makamit lamang ang pag-ibig ng nililiyag na dilag matapos silang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng isa pa nilang karibal sa pag-ibig matapos magselos ang huli, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Valenzuela.

Agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang si Gilbert Oreta,30, driver at Melchor Galunod, 31, kapwa residente ng Bautista St., Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na si Rolli Valderama, 31, kapitbahay ng mga biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Jojo Miranda, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng babaeng kapwa nililigawan ng mga nasawi at ng suspect.

Napag-alaman na nakipag-inuman ang dalawa sa kanilang nililigawan hanggang sa ito ay makarating sa kaalaman ng suspect na isa rin sa nanliligaw sa babae kaya galit na galit na tinungo nito ang bahay.

Dinatnan doon ng suspect ang dalawa niyang karibal at saka pinagmumura ang mga ito.

Ipinagtanggol ng dalaga ang dalawang bisita na lalong ikinagalit ng suspect kung kaya mabilis itong bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang dalawang biktima, pagkatapos ay mabilis na itong tumakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BAUTISTA ST.

DINATNAN

GILBERT ORETA

IPINAGTANGGOL

JOJO MIRANDA

MAPULANG LUPA

MELCHOR GALUNOD

ROLLI VALDERAMA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with