^

Metro

2 empleyado ng GMA-7 dinukot,niratrat

-
Patay ang isang empleyado ng GMA Channel 7, habang nasa malubhang kalagayan ang isa pa nitong kasamahan matapos na dukutin at pagbabarilin ng tatlong lalaki na nagpakilalang pulis, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa batok ang biktimang si Felix Lagardo, 45, habang nasa intensive care unit (ICU) naman sa Far Eastern University (FEU) Hospital ang kasamahan nitong si Rosendo Bellosa, 22, kapwa mga utility man ng Channel 7.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad para sa pagkakakilanlan at agarang ikadarakip ng mga suspect na nagpakilalang pulis na mabilis na tumakas matapos maisagawa ang krimen.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Andres Placido, may hawak ng kaso, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang dalawang biktima sa kahabaan ng Tindalo St., Amparo, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, kasalukuyan umanong nag-iinuman ang dalawang biktima sa loob ng Vida Videoke Bar na matatagpuan sa likod ng National Irrigation Administration (NIA) office sa may EDSA, Quezon City.

Nilapitan umano ang dalawa ng tatlong suspect na nagpakilalang mga pulis at agad na pinosasan ang mga biktima bago sapilitang isinakay sa isang kulay silver na kotse na walang plaka.

Nabatid pa na habang sakay sa kotse ay kinuha ng mga suspect ang pitaka ng dalawa at kapwa binaril sa batok bago iniwanan sa kahabaan ng Tindalo St.

Matapos ito, mabilis na nagsitakas ang mga suspect habang isang residente naman na nakakita sa katawan ng dalawa ang agad na nagsugod kay Bellosa sa nabanggit na pagamutan, habang si Lagardo ay agad namatay.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City police habang inaalam pa rin ng mga ito ang motibo sa naganap na insidente.

May palagay din ang mga imbestigador na posibleng bukod sa panghoholdap ay may iba pang motibo ang mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANDRES PLACIDO

CALOOCAN CITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

FELIX LAGARDO

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO

ROSENDO BELLOSA

TINDALO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with