Union Bank hinoldap
September 2, 2003 | 12:00am
Hindi pa man nareresolba ang naganap na panghoholdap sa main branch ng Citibank sa Makati City kamakailan, panibagong insidente na naman ng panghoholdap ang naganap sa isang bangko sa Parañaque City kung saan nakatangay ang mga suspect ng may P.3 milyong piso sa loob lamang ng limang minuto, kahapon ng umaga.
Sa tatlong suspect, dalawa lamang dito ang nakilala na ito ay ang magkapatid na sina Jerry at Antonio Evangelista.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque City Police naganap ang insidente dakong alas-10 kahapon ng umaga sa Kilometer 18, West Service Road , Doña Severina Subdivision sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, pumasok sa loob ng Union Bank na matatagpuan sa nabanggit na lugar ang tatlong suspect na pawang sakay sa motorsiklo.
Isa sa mga ito ay nagpanggap na aplikante at saka pinapasok ng guwardiyang nakilalang si Marcelino Santos.
Mabilis na kinuha ng suspect ang service firearm ng naka-duty na guwardiya at saka tinutukan ng baril ang mga kawani at kostumer sa loob ng bangko at saka idineklara ang holdap.
Sa loob lamang ng limang minuto naisagawa ang panghoholdap at saka mabilis na nagsitakas ang mga ito.
Nabatid pa na ang mga suspect ay nauna nang nadakip ng mga tauhan ng NBI makaraang holdapin ng mga ito ang isa ring sangay ng Union Bank sa E. Rodriguez St., Quezon City noong nakalipas na Hulyo 17 ng taong kasalukuyan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay nakapagpiyansa ang mga ito at ngayon ay muling nakapagsagawa ng panghoholdap.
Magugunitang noon lamang nakalipas na Agosto 25, ay hinoldap din ng may 15 armadong kalalakihan ang main branch ng Citibank sa Makati na dito milyong halaga rin ang natangay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am