Dance instructor timbog sa shabu
September 2, 2003 | 12:00am
Nabuko ang modus operandi ng isang dance instructor sa pagsa-sideline niya sa pagbebenta ng droga sa mga kostumer niyang matrona matapos na maaresto ito sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang nadakip na si Lito San Juan, alyas Lito Dihay, 36, may-asawa at residente ng Room E-3 Halfmoon Pension House, J. Bocobo St., Malate, Maynila.
Sa ulat ng WPD-Special Operation Group, nasakote ang suspect sa isinagawang operasyon sa tinatambayan nitong bilyaran sa Bocobo St., Malate.
Nabatid na isang impormasyon ang natanggap ng pulisya ukol sa talamak na pagbebenta ni San Juan ng shabu sa mga kostumer niyang matrona.
Maging ang mga kabataan na mahilig gumimik at mga istambay ay kilala si San Juan dahil sa kanyang modus-operandi.
Bukod dito, lumilibot rin sa ibat-ibang disco houses at mga bar ang suspect kung saan nagbebenta rin ito ng designer drug na Ecstacy.
Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng suspect kung saan nasakote ito matapos na tanggapin ang inihandang marked money. Ang suspect ay kasalukuyang nakapiit sa SOG detention cell at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am