^

Metro

Lalabag sa OBRS ng MMDA huhulihin

-
Inutos ni MMDA Chairman Bayani Fernando ang paghuli at pag-impound sa lahat ng mga pribadong sasakyan na lalabag sa ipinatutupad na Organized Bus Route Scheme sa EDSA.

Bukod sa ipinataw na multang P300 sa private vehicles na daraan sa yellow lanes, nagbaba na rin ng direktiba si Fernando sa lahat ng traffic enforcers na lalong pag-ibayuhin ang mahigpit na pagbabantay upang maiayos ang trapiko.

Pinayuhan din ni Fernando ang mga motorista na lumayo na lamang sa yellow lanes upang makaiwas sa anumang multa at abala.

Nilinaw ni Fernando na ang yellow lanes at ang dalawang outermost lanes sa EDSA ay itinalaga para sa mga public utility vehicle,

Ikinairita din ni Fernando ang patuloy na pagbalewala ng ilang pribadong motorista na labas-pasok sa yellow lane sa ipinatupad na bagong sistema upang maibsan ang traffic congestion sa kalsada. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUKOD

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

FERNANDO

IKINAIRITA

INUTOS

LORDETH BONILLA

NILINAW

ORGANIZED BUS ROUTE SCHEME

PINAYUHAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with