Kuya nanermon, sinaksak ni utol

Matapos na maburyong sa ginawang panenermon sa kanya, sinaksak ng isang 30-anyos na lalaki ang kanyang kuya na naganap kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nakapiit ngayon matapos ang isinagawang krimen ng suspect na nakilalang si Jorge Navarro, 30, ng Bautista St., Brgy. Bayanan, nabanggit na lungsod.

Nasa malubha namang kalagayan ang kuya na nakilalang si Alvin Navarro, 35.

Ayon sa ulat ng pulisya dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa mismong bahay ng magkapatid.

Nabatid na sinermunan ng biktima ang suspect dahil sa wala umano itong pagpapahalaga sa pamilya.

Minasama naman ni Jorge ang panenermon sa kanya hanggang sa tuluyang maburyong at inundayan ng saksak ang kanyang kuya.

Matapos ang insidente agad na nadakip ng mga nagrespondeng barangay tanod ang suspect, habang isinugod naman ng kanyang mga kasambahay sa pagamutan ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments