^

Metro

Lola, 5 pa timbog sa drug operation

-
Naaresto ng mga kagawad ng District Anti-Illegal Drugs Special Task Force Group (DAID-STFG) ang anim na katao kabilang ang isang lola at dalawang babae sa ginawang drug operation kahapon sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Edris Kussain, 30, ng #208 Klizondo St., Quiapo, Danny Ali, 26; Mali Edris, 75; Buljie Mangingin, 27; Caroline Manuel, 19; at Amiran San Manuel, 18; pawang residente ng Murroro Lodge Elizando St. ng naturang lugar.

Ayon kay PO3 Roy Velano ng DAID-STFG, bandang alas-12:45 ng hapon nang maaresto ang mga suspect sa bahay ni Kussain sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Enrico Lansanas ng Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 7.

Isang impormasyon ang nakumpirma ng DAID-STFG na nagtatago ng malaking droga si Kussain sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto kaya’t kaagad na kumuha ng search warrant ang mga awtoridad upang mahalughog ang tinutuluyan nito.

Matapos na makakuha ng search warrant ay kaagad itong inihain ng pulisya kay Kussain kaya’t narekober mula rito ang may 200 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia at weighing scale.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

AMIRAN SAN MANUEL

BULJIE MANGINGIN

CAROLINE MANUEL

DANNY ALI

DRUGS SPECIAL TASK FORCE GROUP

EDRIS KUSSAIN

GEMMA AMARGO

JUDGE ENRICO LANSANAS

KLIZONDO ST.

KUSSAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with