Tubero napagkamalang multo, inatado sa sementeryo
August 31, 2003 | 12:00am
Isang 43-anyos na tubero ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng dalawang lalaking bangag sa ipinagbabawal na gamot matapos na mapagkamalang multo ang una nang masalubong nila sa loob ng sementeryo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktima na nakilalang si Eduardo Fernandez, ng Block 8, Sangandaan, Caloocan City dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.
Ayon sa ulat, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang pamamaslang sa loob ng Sangandaan Cemetery.
Napag-alamang naglalakad ang biktima sa loob ng sementeryo pauwi sa kanilang bahay nang makasalubong ang mga suspect na sabog sa droga na nakilalang sina Fernando Cesar at isang alyas Robert Bisaya.
Dahil sa matinding epekto ng tinirang gamot, inakala ng mga suspect na multo ang nakasalubong na si Fernandez, subalit imbes na tumakbo ay binunot ng mga ito ang dalang patalim sa saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang ginawang krimen.
Agad na isinugod ng mga nakasaksi sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended