Bebot kinatay ng selosong lover
August 30, 2003 | 12:00am
Dahil sa matinding selos at pagkalulong sa droga, isang babae ang pinatay ng kanyang live-in partner, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Patay na nang idating sa Quirino Memorial Medical Center ang biktima na nakilalang si Cristy Mariano, 23, ng #65 Pajo St., Brgy. Quirino 2-B ng nabanggit ding lungsod.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspect at live-in partner ng biktima na si Marlon Santioque, 25, tubong Pampanga.
Sa pagsisiyasat ni PO2 Joseph Dino ng CPD-CIU, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Dumating ang suspect na lasing sa alak at droga at pasigaw na hinanap ang biktima na nasa loob ng bahay.
Kasunod nito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa humantong sa pananaksak ng suspect kay Mariano sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ayon naman sa mga kapitbahay ng biktima, madalas nilang naririnig at nakikitang nag-aaway ang dalawa at madalas na pagseselos ng suspect ang pinagmumulan ng away.
Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended