^

Metro

Lalaki na-sandwich ng 2 tren

-
Isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon makaraang ma-sandwich ng dalawang tren habang umiihi ito sa gitna ng riles, kahapon ng umaga sa bayan ng Taguig.

Ginagamot ngayon sa Rizal Medical Center ang biktima na nakilalang si Ramil Villafano, 25, ng #31 Bayabas St., Brgy. Western Bicutan ng bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Dimaguila ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang trahedya dakong alas-7 kahapon ng umaga sa Access Road ng Brgy. Western Bicutan.

Napag-alaman na nagpapagawa ng gulong ng kanyang minamanehong tricycle ang biktima nang sandaling iwan niya ito para umihi.

Napili nito ang gitna ng riles, ilang sandali pa ay sinitsitan ito ng mga residente dahil sa paparating ang dalawang magkasalubong na tren.

Hindi na nagawang makaiwas pa ng biktima at minalas na napiit ng dalawang tren.

Kaagad namang nagsitakas ang mga operator ng dalawang tren na hindi nakuha ang mga body number.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang biktima na ngayon ay nasa malubhang kondisyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ACCESS ROAD

AYON

BAYABAS ST.

BRGY

LORDETH BONILLA

RAMIL VILLAFANO

RIZAL MEDICAL CENTER

RONALD DIMAGUILA

TAGUIG TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with