^

Metro

DOJ may poder sa kaso ni Gringo

-
Ito ang tiniyak kahapon ng isang mataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagsasagawa ng imbestigasyon at pagdinig sa kasong coup de etat na kinakaharap ni Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan.

Ayon kay Justice Undersecretary Merceditas Gutierrez, ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pagdinig ng DOJ hinggil sa nasabing kaso ay maituturing na legal at naaayon sa batas.

Ipinaliwanag ni Gutierrez na una nang nagpalabas ng kautusan ang Supreme Court (SC) kung saan nakasaad dito na maituturing na tamang ahensiya ng gobyerno ang DOJ sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa katulad na kaso ni Honasan.

Aniya, ang pagpapalabas ng kautusan ng SC ay upang maiwasan na matagalan ang isang kaso sa pagdinig ng isang ahensiya ng gobyerno.

Sinabi pa rin nito na maituturing na pagpapatagal lamang sa imbestigasyon ang ginagawang pagkuwestiyon ng kampo ni Honasan kung anong ahensiya ng gobyerno ang siyang tamang duminig sa kanyang kaso.

Binigyang-diin pa rin ni Gutierrez na kinasuhan si Honasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa DOJ bilang isang indibidwal at hindi bilang isang opisyal ng gobyerno. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANIYA

AYON

BINIGYANG

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

HONASAN

JUSTICE UNDERSECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

SENADOR GREGORIO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with