3 paslit hinostage ng adik na kapitbahay
August 29, 2003 | 12:00am
Tatlong magkakapatid na paslit ang nailigtas ng mga awtoridad sa tiyak na kapahamakan makaraang i-hostage ang mga ito ng limang oras ng kanilang kapitbahay na bangag sa ipinagbabawal na gamot, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nakilala ang mga nasagip na biktima na sina Romeo Garay Jr., 13; Mark Derell,7 at John, 2, ng F. Aguilar St., Bagong Barrio, Caloocan City.
Arestado naman ang suspect na si Joemar Itong, 24, walang trabaho at kapitbahay ng magkakapatid.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon at nagtapos dakong alas-10 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng magkakapatid.
Napag-alaman na pumasok ang suspect sa loob ng bahay ng mga biktima kung saan nadatnan nito ang ama ng mga biktima na si Romeo Sr. na inutusan ng una na bumili ng sigarilyo.
Pagbalik ng matandang Garay sa bahay ay nagulat na lamang siya nang marinig na nag-iiyakan ang kanyang mga anak sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na noon pala ay hostage na ng suspect na armado ng kutsilyo.
Tumagal ng limang oras ang negosasyon ng mga awtoridad hanggang sa tila nawala ang tama sa droga ng suspect kaya napahinuhod ito at sumuko.
Binanggit pa sa ulat na kilalang sugapa sa droga sa kanilang lugar ang suspect na si Itong. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended