Mag-ina inatado ng 'akyat-bahay'
August 28, 2003 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ang mag-iina na binubuo ng apat na katao makaraang pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng akyat-bahay gang na nanloob sa kanila kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center ang mag-iinang nakilalang sina Evelyn Saludes, 50; mga anak na sina Joseph Vincent, 18; Jovie Marco, 17, at John Patrick, 15, pawang nakatira sa #5953-C Fermina St., Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod.
Samantala, bugbog-sarado naman sa mga humabol na kapitbahay ang isa sa mga suspect na nakilalang si Joefrey Abanico, 15. Nakatakas naman ang mga kasamahan nito na sina Jemar de Guzman at isang alyas Frankie.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-iina.
Napag-alamang puwersahang pumasok sa bahay ang mga suspect para magnakaw, subalit sa hindi inaasahan ay nagising ang isa sa ka-pamilya ng mga biktima na si Renato Saludes at sinita niya ang mga suspect.
Dahil rin sa pagkabigla matapos silang mabuko ay pinagsasaksak ng mga suspect ang mag-iina.
Tanging napigil sa pagtakas ay si Abanico. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am