Mini-shabu laboratory sa Makati sinalakay
August 28, 2003 | 12:00am
Sinalakay kahapon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang itinuturing na mini-shabu laboratory sa Makati City kung saan nadakip ang isang dating model na Fil-Chinese na pinaniniwalaang nagsu-supply ng droga sa ilang showbiz personality.
Nakilala ang dinakip na si Richard Vincent Lim, ng 4938 Oakwood Condominium, Room Q, Enrique St., Barangay Palanan, Makati City.
Nakumpiska sa suspect ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu, ilang gramo ng shabu, drug paraphernalias at ilang lutuan ng droga.
Ayon sa report ng PDEA, isinagawa ang pagsalakay dakong alas-9 ng umaga kahapon sa nabanggit na condominium unit na pag-aari ng suspect matapos silang makatanggap ng impormasyon na nagsasagawa dito ng bentahan ng droga.
Binanggit pa sa ulat na si Lim ang nagsisilbing supplier ng droga sa ilang showbiz personality.
Inaalam pa ng pulisya kung sino o sinu-sino ang posibleng kasosyo nito sa ganitong uri ng negosyo.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang nadakip na si Lim. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest