^

Metro

Isa pang 'chop-chop' natagpuan sa QC

-
Isa na namang putol na katawan ng lalaki na hinihinalang itinumba ng ‘vigilante group’ ang natagpuan kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang putol na katawan ng lalaki sa Oxford St., Barangay Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Ayon sa ilang residente, nakita nila ang isang dilaw na plastic na naglalaman ng torso at nakahambalang sa sidewalk sa nasabing lugar.

Nang kanilang usisain ay nagulat na lamang ang mga residente na putol na katawan ito ng isang tao na tadtad ng tattoo sa katawan.

Inilagak sa PNP Crime Laboratory ang nasabing bangkay habang pinaghahanap pa rin ang ibang bahagi ng katawan nito. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BARANGAY RODRIGUEZ

CRIME LABORATORY

CUBAO

DORIS FRANCHE

INILAGAK

ISA

NANG

OXFORD ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with