Hubo't hubad na bangkay ng lola natagpuan sa parke
August 27, 2003 | 12:00am
Hinihinalang pinagnakawan pa ng mga kawatan ang bangkay ng isang 60-anyos na lola na natagpuang hubot-hubad na nakahandusay sa isang parke, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Nakilala naman ang biktima buhat sa nakuhang identification card sa nahubad na damit na si Erlinda Adame, tubong Umingan, Pangasinan at residente ng 2100 Legarda St., Quiapo, Maynila.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, nadiskubre ang bangkay ni Adame dakong alas-5 ng umaga sa loob ng Forest Park sa may Arroceros St., Ermita, Maynila.
Isang tindera sa naturang parke ang nagsabi na nakita pa umano niya ang biktima kamakalawa ng gabi na naglalakad malapit sa LRT Arroceros station habang hawak ang dibdib hanggang sa tuluyang napahiga malapit sa bakod ng parke.
Nalaman na lamang niya na namatay ito nang muling bumalik sa puwesto kahapon ng umaga.
Hinihinala naman ng pulisya na pinaglaruan pa ng mga drug addict o magnanakaw ang bangkay ng biktima kaya ito hinubaran.
Wala namang nakitang marka sa naturang bangkay ang mga imbestigador na tanda na pinahirapan o sinaktan ang lola bago nasawi. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended