^

Metro

Dalaga hinalay at pinatay ng pinsan

-
Hubo’t hubad nang matagpuan ng mga residente ang isang babae na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng kanyang sariling pinsan na houseboy, kahapon ng madaling- araw sa Quezon City.

Kinilala ni SPO4 Roger Yalung ng CPD-CIU ang biktima na si Joy Ann Acero, 25, ng Payatas Quezon City, samantalang agad namang dinakip ang suspect na si Waldy Villarente, 31, stay-in houseboy ng Dr. Lascano St., ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang biktima dakong alas-4 ng madaling-araw na nakalagay sa sako na hubo’t-hubad at puro pasa ang katawan sa harap ng #19 Lascano St.

Hindi naman naging mahirap sa pulisya na matukoy ang suspect dahil madali itong umamin na siya ang pumatay sa biktima.

Inamin din nito na ginahasa rin niya ang biktima.

Binanggit ng suspect na napatay niya ang biktima dahil nanlaban ito nang kanyang halikan.

Niyakap at hinalikan lamang niya ito dahil sa matagal na silang hindi nagkikita. Hindi niya sukat akalain na sasampalin siya ng biktima kung kaya’t napilitan na siyang patulan ito.

Lumilitaw na bago naganap ang insidente, nagtungo ang biktima sa lugar upang dumalo ng house blessing.

Magdamag namang nakipag-inuman ang suspect sa kamag-anak hanggang sa isagawa nito ang krimen. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

DORIS FRANCHE

DR. LASCANO ST.

JOY ANN ACERO

LASCANO ST.

PAYATAS QUEZON CITY

QUEZON CITY

ROGER YALUNG

WALDY VILLARENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with