^

Metro

Kandilang gamit sa pot session tumupok sa 115 kabahayan

-
Ang kandilang ginamit sa pot session ang sinasabing dahilan ng pagkasunog na tumupok sa 115 kabahayan na siya namang ikinasawi ng isang lalaki matapos na atakihin kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Hindi na umabot pa sa Tondo Medical Center ang biktimang si Moises Toquillo Jr., ng Miguel St., North Bay Boulevard matapos itong makaramdam ng paninikip ng dibdib habang nabalian naman ng kaliwang braso si Christopher Lansangan, 24.

Ayon kay FO3 Domingo Gastillano ng Navotas Fire Station, dakong alas 11:25 ng gabi nang magliyab ang ikalawang palapag ng tahanan ng isang Victor dela Cruz, 30, na mabilis na gumapang sa ibang kabahayan na yari lamang sa lawanit at plywood.

Nauna rito, nabatid na bago naganap ang insidente, narinig ng mga residente ang pag-aaway ng mag-asawang dela Cruz matapos na abutan ng babae na nagpa-pot session ang kanyang asawa.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawang dela Cruz hanggang sa matabig ang kandila na mabilis namang kumalat sa kabahayan at dumamay ng iba pa.

Dahil dito, inatake si Toquillo nang makitang nagliliyab ang bahay samantalang nabagsakan naman ng haligi ang braso ni Lansangan. (Ulat ni Jo Cagande)

vuukle comment

AYON

CHRISTOPHER LANSANGAN

CRUZ

DOMINGO GASTILLANO

JO CAGANDE

MIGUEL ST.

MOISES TOQUILLO JR.

NAVOTAS FIRE STATION

NORTH BAY BOULEVARD

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with