Negosyante patay sa 4 holdaper
August 25, 2003 | 12:00am
Napatay ang isang negosyante makaraang manlaban ito sa apat na hindi pa nakikilalang holdaper habang nagbabantay ng kanyang tindahan kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead on arrival sa FEU Hospital ang biktimang si Christopher Polmenar, 48, ng Rd.3 Sitio Cumonoy, Bagong Silangan ng nabanggit na lungsod.
Agad namang tumakas ang mga suspek matapos na makitang naliligo sa sariling dugo ang biktima.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Demosthenes Rebancos ng CPD-CIU, dakong alas 8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa JLM Store na pag-aari ng biktima sa 82-A JP Rizal, Sitio Cumonoy.
Kasalukuyang nagbabantay sa kanyang tindahan ang biktima nang biglang dumating ang mga suspect na pawang may dalang baril at kutsilyo.
Ilan sa mga saksi ang nagsabi na nakita nilang nagtatalo ang biktima at mga suspek hanggang sa pagtulungan ito ng huli na ilabas sa kanyang tindahan.
Nang mailabas sa tindahan ang biktima, agad itong inundayan ng saksak ng dalawa sa mga holdaper.
Bukod sa saksak, binaril pa ng mga suspek ang biktima ng dalawang ulit upang matiyak na patay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended