^

Metro

MMDA handa sa lifestyle check

-
Handang magpa "lifestyle check" ang mga kawani ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang malaman kung sino ang mayroong "unexplained wealth" at agarang maparusahan ang may mga kasalanan.

Ayon kay MMDA Vice-Chairman at Flood Control Unit Head Cesar Lacuna, dapat lamang ang pagsasagawa ng lifestyle check upang tuluyang malinis ang gobyerno at masibak at makasuhan ang mga empleyado na malayo ang istilo ng pamumuhay sa katotohanan o nagtataglay ng hindi maipaliwanag na yaman.

Nabatid na makikipag-ugnayan ang MMDA sa alinmang investigating body ng gobyerno upang silipin ang uring pamumuhay ng mga opisyal at kawani ng ahensiya.

Sinabi ni Lacuna na wala siyang ipinangangam- ba sa lifestyle check dahil walang nabago dito. Gayunman, tiwala ito na malulusutan ng lahat ng opisyal at empleyado ng MMDA ang isyu sa lifestyle check ng pamahalaan.

Hindi nakunan ng pahayag at komento si MMDA Chairman Bayani F. Fernando dahil kasalukuyan itong nasa Amerika.

Matatandaan na si Fernando ay pumangatlo sa pinakamayamang miyembro ng gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo kung saan nanguna sa talaan si Department of Agriculture Secretary William Lorenzo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AMERIKA

AYON

CHAIRMAN BAYANI F

DEPARTMENT OF AGRICULTURE SECRETARY WILLIAM LORENZO

FERNANDO

FLOOD CONTROL UNIT HEAD CESAR LACUNA

GAYUNMAN

LORDETH BONILLA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with