CAMANAVA lubog uli sa tubig-baha
August 24, 2003 | 12:00am
Lubog na naman sa tubig-baha ang ilang pangunahing lansangan na nasasakupan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) matapos ang walang humpay na pag-ulan dulot ng bagyong si Niña habang kumikilos ito pa Silangang bahagi ng bansa.
Kasabay nito, naglabasan din ang mga basura sanhi ng pagtaas ng mga tubig sa ilang ilog at estero na bumabara sa pagdaloy ng tubig.
Namimiligro din ang kalusugan ng mga residente sa mga sakit na tulad ng dengue, malaria, diarrhea at sakit sa balat na kalimitang nakukuha sa panahon ng tag-ulan.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente sa low-lying areas na mag-evacuate upang hindi maapektuhan ng tubig-baha.
Ayon sa PAGASA dakong alas-10 ng umaga kahapon ng mamataan ang sentro ng bagyo sa 140 kms Silangang bahagi ng Vigan, Ilocos Sur.
Si Niña ay may bilis na hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at ang lakas nito ay umaabot sa 120 kph at inaasahang kikilos pa-Silangan sa bilis na 19 kph.
Nananatiling nakataas ang public storm signal no. 1 sa Ilocos, La Union, Pangasinan at Zambales. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am